Author Wannabe

To future self,

Maging isang manunulat. Hindi ko alam ang eksaktong panahon kung kaylan ko naisip na gusto kong maging isang manunulat pero bigla nalang dumating sakin na, balang araw gusto kong may mga taong matuwa at maging maligaya dahil sa nabasa nila. Siguro nagumpisa na maging aware ako kung ano yung gusto ko nung mag-college ako, mas naging pamilyar ako sa mga libro mas nagustuhan ko yung itsura at amoy ng bagong libro. Hindi pa natutupi at nagugusot. Hindi ko alam pero masaya ako kapag nakakahaplos ako ng pahina ng libro o kahit yung simpleng papel lang.

Naaalala ko pa dati na meron kaming bible na may kalumaan nadin, gustong gusto ko yung amoy ng bawat pahina ng libro, matamis. Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero sobrang bango talaga nung bible na yun. Matamis siya at amoy librong di ka magsasawang amuyin. And weird ba?

Bata palang ako gusto ko ng nagbabasa, libro sa school o kaya kahit mga story books na binibili ng mama ko. Maski nga yung diary ng ate ko nung high school siya binabasa ko nung bata pa ako, parang kahit wala ako dun sa scenario na yun, basta kapag binabasa ko pakiramdam ko nandoon ako, na parte ako nung mundo na yun.

Di katulad sa ate ko, hilig kong magbasa ng libro. Pakiramdam ko kasi makakapunta ako sa kahit saan gamit ang mga salita sa libro na nababasa ko. Nung elementary ako, naalala ko binili ako ng mama ko ng tatlong story books na nabili niya sa bookstore, hanggang ngayon nasa akin padin yung Aladdin. Tuwang-tuwa ako nung makita ko yung lbro na regalo sakin ng mama ko. Malaki na ako noon para sa mga story books pero yung sayang naramdaman ko nung mga panahon na yun naaalala ko padin hanggang ngayon.

Alam ko sa sarili ko wala pa akong experience sa pagsusulat pero pakiramdam ko tuloy tuloy lang yung utak ko sa pag-iisip ng mga salita na pwede kong gawing mga kwento. Kwento na may kwenta, ito yung gusto kong gawing life motto ko sa pagiging manunulat.

God Bless Everyone.

Leave a Comment