My Friends

Minsan napapaisip ako kung bakit nga ba ako sa kolehiyong ito nag-aral?  pwede naman dun sa mas sikat dito samin o kaya ay dun sa maliit na may kursong pagluluto lamang ang ibinibigay. Isang araw nalaman ko na yung sagot, dahil siguro para makilala ko ang mga mga taong ngayon ay tinatawag ko ng kaibigan.

Ako inaamin ko na sa unang beses mo akong makikita ay iisipin mong masungit ako o siga na mukhang hindi pala-kaibigan pero ang totoo niyan ay mahiyain talaga ako, hindi ko kayang makipag-usap sa taong kakakilala ko lang ng mismong pagkakit ko palang sa kanya.

Pero akalain nga naman ng panahon, nagkaroon ako ng mga kaibigan na ngayon ay halos 3 taon ko ng kasama sa unibersidad na pinapasukan ko.

Hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng mga di pagkakaunawaan, o kaya ay tampuhan pero nung may mga pangyayari na naganap sa amin ay napagtanto ko na kahit ano pang magawa nila, hindi dapat ako ang kauna-unahang tao na huhusga sa kanila dahil kaibigan ko sila. Sa lahat ng taong nakakakilala sa kanila ay kami dapat yun g nagdadamayan at hindi sila perpekto lalo na ako, pero alam ko sa sarili ko na di ko kayang mabuhay sa unibersidad na pinapasukan ko ngayon kung hindi ko sila nakilala.

May mga pangyayari na nakapanghina ng loob ng iba sa amin pero kailanman di ko sila kayang talikuran kasi kahit nagkamali man ang bawat isa sa amin kaibigan ko padin sila. May pinagsamahan din kami, halos 3 taon din yun.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s